Parte na marahil ng buhay ang makasakit' masaktan. Sabi nga nila mas matindi ang tama kapag malapit sa puso mo ang syang naging dahilan; Mas mahirap tanggapin at malimutan.
Minsan nang nasubok ang puso sa ganitong kawalan sa kauna- unahang pagkakaton, wari'y isang baguhan at hindi maintindihan ang mga nangyayari. Ang tanging alam ay kailangan kong ilabas ang unang luha sa pag-ibig na di ko inaasahang katumbas ng luha noong ako'y sanggol pa. Akala ko noon, arte lamang at di naman talaga kailangan lumuha sa mga panahong tulad nito, naghahanap lamang ng karamay at pansin ang taong lumuluha. Kaya naman ako'y tila tinamaan ng bato at nasigawang, "Ngayon alam mo na?!" noong ako na mismo ang nakaranas nito.
Maraming beses pang naulit ang ganitong pagsubok. Tila pagsusulit sa eskwelahan na kailangan saguta't ipasa kung indi bagsak ka... ikaw ang kawawa. Kung nagkakaroon nga ng kalyo ang puso, marahil puno na ito't makapal na dahil sa walang ulit na pagsalang nito sa iba't ibang pagsubok.
Ngunit sa dami-dami mang ulit na makasakit' masaktan, iisa lamang ang dapat kahantungan: ang matuto at magpatawad. Sabi nila kapag ikaw ay natutong magpatawad at huminge nito, tinapos mo na rin at panagaan ang kalooban mong bigat na sa dinadala. Gaano man kahirap, yun ang nararapat.

No comments:
Post a Comment