Tuesday, November 30, 2010

One Way: Walang Katapusan

Kung ang buhay ay isang libro, marahil nabasa ko na't natapos ang ilang yugto. Yugtong nagiwan ng bakas at kalinawan sa mundo. May mga pahinang kay labo't hindi maintindihan; mayroon din naman napakalalim at hindi maunawaan. Kailangan bukas ang isip at kaluluwa sa bawat salitang madadaanan ng mga mata. Dahil hindi na maaring ulitin pa ang mga natapos na pahina ng buhay na puno ng supresa.
At tulad nga ng libro, sa loob ay puno ng kwento. Mga dugtong dugtong na pangyayari na bawat isa'y may kakambal na bahaghari sa dulo. Walang katapusan tulay ng kalinawan na palaging may kasunod na katanungan. Dahil ito ang tunay na kwento, bagama't may kamatayan... ito ay walang katapusa't hantungan.

2 comments: